Sunday, July 12, 2015

Sitti Nurhaliza: Ginintuang Tinig at Puso ng Asya


SITTI NURHALIZA
        

    Si Sitti Nurhaliza ay isa sa mga magagaling na mang-aawit sa Asya at pati na rin sa buong mundo. Anim na taong gulang pa lamang sya ng makitaan ng mga potensyal sa pag awit. Si Sitti ay nagkamit na rin ng iba't ibang mga parangal sa larangan ng pag-awit. Dahil sa kanyang talento, nakarating na rin si Sitti sa iba't ibang mga bansa upang sumali ng Singing Contest. 
   Hindi lamang sa pag-awit nakilala si Sitti. Siya rin ay isang manunulat ng awit, record producer, modelo, at mangangalakal. Sa katunayan, siya ay nagmamay-ari ng produktong Ctea na mismong nakapangalan sa kanya. 
   Lingid sa kasikatan ni Sitti, siya ay hindi nakakalimot ng tumulong sa mga tao loob o labas man ng Malaysia. Isa syang inspirasyon sa mga taong may mataas na pangarap at pati na rin sa mga taong nagnanais na maging katulad nya. 
  Tunay na ipinagmamalaki si Sitti Nurhaliza ng kanyang mga kababayan bilang isang Asyano at bilang isang inspirasyon sa maraming taong humahanga sa kanya. Ang kanyang tinig at mabuting kalooban ang nagdala sa patungo sa kanyang tagumpay. Isa syang idolo at may natatanging ginintuang tinig at ginintuang puso sa Asya. 




No comments:

Post a Comment